COMMITMENT PERSEVERANCE ALMIGHTY GOD
Iyan ang tatlong katagang pinanghawakan ko during my college life at mas lalong damang dama ko during review days ko last year. Para sa akin sobrang halaga ng tatlong ito.
Commitment- Dapat dedicated ka sa ginagawa mo. Hindi yung napipilitan ka lang. Dapat may inner drive na nagpupush sa iyo upang gawin mo yung isang bagay. Dapat gusto mo ito dahil kung napipilitan ka lang, hindi mo maeenjoy ang bawat oras, minuto o segundo na inilalaan mo para gawin ang isang bagay.
Perseverance- Kapatid ng commitment para sa akin. Kung saan yung dedication dapat may kasamang hard work. Hindi madaling makuha ang CPA title. Nothing worth having comes easy. So kailangang mag exert ng effort. Oo, at first mahirap pero unti unting mag aadjust yung katawan mo yung parang hahanap hanapin nya na yung mga bagay na routinely mo ng ginagawa. Endurance kumbaga. Patience plus hardwork. Eto yung try ka ng try ng isang bagay at hindi mo titigilan hangga’t hindi nakukuha. Yun ang isang quality ng mga Accountancy student. The one who never easily gives up. Kakayanin lahat makamit lamang ang pangarap.
Almighty God- Lastly at ang pinaka importante sa lahat, si God. Naniniwala ako na if will ni God na maging CPA tayo, mangyayari yun. We have to acknowledge God always as our source of strength and knowledge. Lahat ng bagay na meron tayo ay dahil sa kanya. Well totoo yung sinasabi ng iba na mas magiging close ka kay Lord habang nagrereview ka for board exam. Para sa akin kasi si God talaga yung may control sa lahat. Even yung mga latin honors bumabagsak sa exam. Everything is uncertain sa mga panahong iyon but one thing is for sure, the power and love of God will never end. He will never fail us. Itinuro sa amin sa review center na dapat daw wag selfish ang prayer. Wag yung “Sana po Lord yung alam ko yung lumabas”. But instead “Sana po Lord yung alam naming LAHAT yung lumabas”. Saka dapat specific ka daw mag pray. Yung prayer ko nun ganito, “ Lord sana 100% passing kami ng mga classmates ko. Alam ko po na if will Nyo, mangyayari po iyon na magiging CPA po kami lahat sa October 15, 2012”.
Walang bagay na impossible sa taong may determinasyon. Kung kaya ng iba, mas kaya natin. DApat lang ay maniwala tayo sa ating sarili and mostly, to trust God. Alam Nya kung ano ang dapat :)
By: http://dearaccounting.tumblr.com
"We are accountants, therefore we double rule"
This group blog is created to acquaint every accountancy student here on tumblr.
Thick books, struggling calculators, mechanical pencils, worksheets, killer exams and breath-taking results.
Steps to join and become a member of this blog:
1. Must be an Accountancy, an Accounting Technology or a Management Accounting student or a CPA graduated from any school here in the Philippines.
2. Must be following tumblraccountants.
3. Reblog this post.
4. Submit your email address here.
5. Check your email for the invitation link.